Ang kasalukuyang pag-aaral ay tungkol sa mga usaping kaunlaran sa Marinduque bilang larawan ng kabuohang sitwasyon ng implikasyon ng Globalisasyon at Pagbabago ng Klima sa Pilipinas. Gamit ang pamamaraan ng etnograpikong kritikal at alternatibong o development journalism. Nakabuo ng mga balangkas ng obserbasyon sa pamamagitan ng pagkukumbina ng kwalitatibong pananaliksik at komunikasyon. Nagamit ang e-kontradiksyon at blindspots ng pag-unlad bilang paglalatag ng Indymedia sa mga usaping kaunlaran sa probinsya ng Marinduque.
Ang Indymedia ay tumutukoy sa Independent Media Center, isang global na network ng iba’t ibang anti-hirarkikal, anti-authoritarian at consensus-based na media outlet. Kilala ito sa iba’t ibang katawagan tulad ng Indymedia at IMC, ngunit sa pag-aaral ang Indymedia ay isang uri ng bagong kasangkapan/ pamamaraan sa pananaliksik at komunikasyon. Ang alternatibong kasangkapan ay inilapat sa probinsya ng Marinduque bilang test case o microcosm ng buong Pilipinas. Gamit nito ang makabagong teknolohiya at tinig ng mamamayan sa pagmapa ng kaligiran ng isang pook sa Pilipinas: ang Marinduque.
Ang Independent Media Center ay tumutugon sa mga pangangailangan ng mga papaunlad na bansa sa Ikatlong Daigdig na kumawala sa dominanteng usapin sa pag-unlad. Ipinapalagay ng mananaliksik, batay sa kanyang mga obserbasyon sa loob at labas ng bansa na mangyayari lamang ang makabuluhang kaunlaran kung magkakaroon ng direktang partisipasyon ang mga tao sa komunidad upang gabayan ang mga plano ng lokal na gubyerno. Sa malawak na larangan ng komunikasyon, sinubukang gumamit ng teknolohiya mula sa unang daigdig tulad ng bidyo, litrato at blog. Ang Indymedia ay paglalapat ng teknolohiya mula sa unang daigdig sa realidad at partikularidad ng Ikatlong Daigdig. At sa pag-aaral na ito, inilapat ang Indymedia sa bansang Pilipinas, partikular sa probinsya ng Marinduque.
Kaakibat ng pagpapakilala ng Indymedia ang paggamit ng lente sa dalumat ng E-kontradiksyon. Ito ay paghahanap at dokumentasyon ng mga usaping kaunlaran sa probinsya ng Marinduque na maaaring magamit sa iba pang lugar sa Pilipinas. Nakakuha din ng pagkakataon ang mananaliksik na masubukan ang mga usaping ito sa iba pang lugar, maging sa labas ng bansa. Ginawa ang dokumentasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang elektronikong pamamaraan tulad ng pagsusulat, pagkuha ng litrato, paggawa ng bidyo at pagsisimula o pagmimintina ng blog. Ang mga elektronikong pamamaraan ay tungo sa pagbubuo ng IMC sa probinsya. Ginagabayan ito ng praxis ng development communications at alternative journalism na naging laganap pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig partikular sa Asya at iba pang papaunlad na bansa.