Ang Marinduque ay tulad ng iba pang probinsya at bayan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. May partikularidad ang pook na ito na maaaring makapagambag sa kabuuhang kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Upang mangyari ang kontribusyon nito sa mundo, kinakailangan muna makapag-ambag ito sa bansa, sa relihiyon maging sa mga tao nakatira sa lugar na ito mismo. Kagaya ng ibang lugar sa bansa, pangunahin gawain ang agrikultura at pangingisda sa probinsya na dating naging bahagi ng Tayabas noong una bago naging Quezon hanggang sa maging kabilang sa Region 4 o Southern Tagalog. Pagkaraan pa ay nahati ito sa dalawa, ang Calamba,
Laguna, Batangas at Quezon (CALABARZON) at kabilang ang Marinduque sa Mindoro, Romblon at Palawan (MIMAROPA). Nasa puso ang probinsya ng Marinduque at Tagalog ang pangunahin salitain dito.
Marindukanon ay ang kaalaman sa larangan ng kultura at lipunan sa bayan ng Marinduque. Ang Marindukanon ay tumutugon sa pangangailangan ng produksyon ng kaalaman hindi lamang sa probinsya, sa bayan maging sa bansa, kundi kahit sa mundo.
Para maisakatuparan ang ambag na ito sa produksyon ng kaalaman, kinakailangan maidokumento muna ang mga tapos na, nasimulan at planong gawin sa larangan ng pagaaral sa kultura at lipunan ng probinsya.3 Ang Marindukanon ay hindi kasama sa mga aklat ng kasaysayan, lokal na pananaliksik o maging sa iba pang lagusan ng kaalaman, kung kaya kinakailangan na maidokumento ang probinsya sa larangan ng kultura at
lipunan. Sa ganitong paraan, maaaring mayroon maiambag ang anumang kaalaman ang mabubuo pagkatapos ng dokumentasyon. Ang probinsya ay hindi kung kelan lamang nabuo at nagkaroon ng tala, hindi nangangahulugan na walang naririnig o nakikita ay hindi na umiiral ang mga bagay lalo na sa larangan kultura at lipunan.
Ang pag-aaral sa bayan ng Marinduque ay magreresulta sa katutubong kaalaman tatawagin na Marindukanon. Ang pormat ng pagsasadokumento ay virtual, ibig sabihin gamit ang mga teknolohiya ng kompyuter, internet at blog. Dahil sa bilis ng takbo ng teknolohiya at pag-unlad nito hindi nangangahulugan ito ng konkretong pag-usad ng kabuhayan ng mga Pilipino, partikular ang mga nasa probinsya katulad ng Marinduque.
Ang mabilis na takbo ng pagbabago sa larangan ng kompyuter at virtual na teknolohiya ay maaaring makapagpalawak pa ng dambuhalang hatian sa kultura at lipunan, kung kaya mas mainam na sumabay na lamang para hindi maiwanan.
Ang lahat ng magiging resulta ng pag-aaral ay maaaring ma-akses sa pamamagitan ng internet, partikular ang paggamit ng mga blog. Anumang sulatin, kahit bidyo ay pusible na makulekta at magawan ng arkibo sa internet sa pamamagitan ng paggamit ng blog.