SINING – KALIKASAN – AKLASAN
Art & Ecological Demonstration
ANG IDEYA
Ito ay isang Kaganapan
Ito ay isang event o kaganapan na inorganisa ng mga aktibistang indipendyente o hindi naka-ugnay sa anumang mga pampulitikang pormasyon o mga partido.
Ito ay tukoy na pangyayari na may kinalaman sa napapanahong isyu, ito ay pagsusuri, alternatiba at direktang aksyon.
Ang Sining bilang moda ng komunikasyon
Ang pangunahing pamamaraan nito ng pagpapahayag ay paglalatag ng mga maka-sining na likha mula biswal, larawan, musika, tula, teatro at iba pang instolasyon; ito ay presentasyon ng mga inobasyon at mga praktikal na aplikasyon ng mga eksperimento.
Ang Kalikasan, Temang Pangkalahatan
Ito ang katotohanang hindi natin maitatatwa, kahit na anong status o katayuan mo sa lipunan, tayo ay lumalanghap ng parehong hangin. Ang nararamdaman mong init o lamig ay mararanasan ko rin sa iba’t-ibang paraan. Ang yaman at kontrol ng iilan ay hindi garantiya upang sila ay magiging ligtas sa pag-kolaps ng ating mga ekosistema. Nangangailangan ng kolektibang pagkilos ang pagtugon sa krisis ng ating kalikasan, at ang mga pagtugon nating ay nangangailangan ng mga direkta hakbangin sa ating mga tahanan, komunidad at lokalidad.
Aklasan bilang alternatiba
Ang salitang aklas ay karaniwang tumutukoy sa marahas na pagkilos laban sa isang otoridad o sistema. Ginagamit din ito bilang welga o paghinto sa paggawa bilang protesta ng mga manggagawa.
Sa kontekstong ito, ang aklas ay ginagamit bilang pagtuligsa sa marahas at mapanikil na kalakaran sa pamamagitan ng mapayapang presentasyon ng ating mga alternatiba. Ng mga tipo ng ating pamumuhay na siyang magsasalita para sa atin.
MGA MUNGKAHING PROSESO
Tulad ng mga ibang naganap na mga inisyatiba at proyekto, ang SKA o Art & Eco Demo ay pinadadaloy din ng ilang indibidwal. Isang malaking adbentahe ang pagiging malikhain ng mga indibidwal, ang pagiging malikhain ay higit na namumukadkad kung walang otoridad na nagtatakda ng mga bagay upang gawing sentro ng usapin ang kanilnag mga interes.Malaki ang pagkilala sa partisipasyon ng mga intersadong grupo at indibidwal; bukas sa mga mungkahi at masinsinang talakayan upang makapaglunsad ng isang pagkilos.
Sa pagkakataong ito, bukas ang talakayan upang pag-usapan ang SONA sa darating na Hunyo. Kung ipag-aadya ng pagkakataon ay makapag-usap-usap tayong interesado sa kamapanyang ito.
MUNGKAHING PRESENTASYON
Ayon sa inabot ng ating pakikipag-ugnayan at mga bagay na pabor sa ating mga inisyatiba, tayo sa kasalukuyan ay may mga kalahok at boluntaryo na maaring gumampan at magbahagi ng kanilang mga kakayahan at rekurso.
Sa inisyal na ideya, iminumungkahi na magsagawa ng presentasyon sa isang tukoy na erya sa Commonwealth Avenue. Magkakaroon ng instolasyon ng mga vertical garden, container garden hydrophonics, artwork at iba pa. Magse-set-up ng 200 watts solar power generator system na siyang magsu-supply ng kuryente sa ating sound system.
Magsasagawa tayo ng ating programang musikal, teatro, tula, sayaw at iba pa sa saliw ng mga talumpati na magbibigay paliwanag sa mga kabuluhan ng ating programa.
BUKAS SA MUNGKAHI AT BUKAS SA PAG-ISKEDYUL PARA SA ISANG MEETING