Kung ang E-kontradiksyon ay tumutukoy din sa mga palagay ng mga lokal na gubyerno at mga lider sa komunidad kaugnay ng mga palagay ng mananaliksik na direktang nakakaapekto sa usapin ng pag-unlad. Ginagamit nito ang perspektiba mula sa itaas. Ang Blindspots ng Pag-unlad ay nakasalalay naman sa iba pang palagay na hindi nakita sa unang obserbasyon. Ang mga bagay na hindi nakita ng naunang lente ay nabibigyan naman ng pagkakataon na matampok sa perspektiba mula sa ibaba.
Ang lente sa dalumat naman ng Blindspots ng Pag-unlad ay pagsisinop kung ano ang pagbabago sa pagitan ng mga naunang pagsusumikap at kasunod na pagtatangka upang magamit ang iba’t ibang usaping kaunlaran at paano ito gagawing sapat sa probinsya ng Marinduque at maging sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas mula sa kritika at praxis ng mga naunang pagsusumikap tulad ng karanasan ng Pilipinas, Indonesia, Japan at Thailand sa paggamit ng Indy Media.
Mahalagang kasangkapan ng E-Kontradiksyon at Blindspots ang Indy Test. Ito ay pagpapalabas at pagsubok ng inisyal na resulta ng unang dokumentasyon sa 6 na bayan na binubuo ng mahigit na 18 komunidad sa probinsya ng Marinduque. Ang Indy Test ay pagkuha ng feedback at kuro-kuro ng mga indibidwal, komunidad at bayan kung saan isinasagawa ang praxis ng E-Kontradiksyon at Blindspots. Naipalabas ang resulta ng Indy Test sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas tulad ng Payatas, Bikol, Dumaguete, Cebu at Davao. Nakapagpalabas din sa ibang bansa bukod sa Pilipinas tulad ng Indonesia, Japan, Thailand at Malaysia. Ang mga pagpapalabas ay nasa iba’t ibang porma tulad ng libreng workshop, mobile na exhibit, mikrong pagpapalabas ng bidyo at pagtatala sa pamamagitan ng blog.
Ang pag-aaral ng usaping kaunlaran sa Marinduque gamit ang Indymedia ay paglihis sa kumbensyunal at nakagawian nang pamamaraang nakasalalay sa positibismong etnograpi at tradisyong nakasanayan na. Sa pamagitan ng Indymedia, ang usaping pangkaunlaran at pagkaunawa sa pook ay mula sa tinig mismo ng mga Marindukanon. Gamit ang makabagong teknolohiya, nabibigyan ng kapangyarihan ang mga residente ng Marinduque na maihugis, mailarawan, at maimapa sa bansa at sa ibang panig ng daigdig ang patuloy na kasaysayan at kaligiran ng Marinduque.